MGA DIYALOGO PARA SA MGA NAG-AALALA SA BAKUNA – at sa mga nagmamahal sa kanila…

Sa buong pandemya ang aming pinagtutuunan ay upang isentro ang mga artista upang tulungan kaming magkaroon ng kahulugan sa panahon na ito. Nung nilapitan kami ng Dr. Peter Centre tungkol sa paggawa ng proyekto tungkol sa pag-aalangan sa bakuna, alam namin na kailangan naming sabin ‘Yes!’ – dahil nakikita namin na ang isyu ng bakuna ay nagiging sanhi ng alitan ng mga kaibigan, pamilya, at komunidad.

Bilang mga artista gusto naming gawin ang aming bahagi upang pagsamahin ang mga tao, at ilaban, sa aming palagay, ang pinakamasamang epekto ng pandemyang ito – ang pagkakahati na umuusbong sa maraming sulok ng lipunan.

Sa Mga Diyalogo para sa mga Nag-aalala sa Bakuna at sa mga Nagmamahal sa Kanila, ang apat na mandudula na kinomisyon namin ay may karanasan ng buhay na maaring mag-alok ng kaalaman at pagkakaunawaan tungkol sa nagpapahiwalay at mga mahirap na sitwasyon na kinakaharap nating lahat. Itinuturing naming ito bilang mga theatrical conversations na nag sasaad ng mahihirap na kalagayan na karamihan sa atin ang nakararanas. Kung ito man ay isang pag-uusap sa iyong sarili, o isang tao sa iyong pangkat, umaasa kami na itong maiikling dulang ay makakatulong sa iyong pag-navigate ng isyung ito na may pagkakaunawaan.

Sherry J Yoon
Artistic Director

Jay Dodge
Artistic Producer

Tungkol sa Boca del Lupo

Ang misyon ng Boca del Lupo ay gumawa ng dula na walang katangi sa mga hindi inaakala na lugar. Ang kumpanya na ito ay nakatuon sa pagiging naa-access at nagtratrabaho upang palawakin ang pakikilahok, pangunawa, at kahalagahan ng kontemporaryong pagganap sa mararaming kultura ng Canada. Sa pamumuno ng Artistic Director na si Sherry J. Yoon at ang Artistic Producer na si Jay Dodge, ang Boca del Lupo ay nakagawa na ng mahigit 60 na bagong dula mula noong umpisahan ito noong 1996. Itong mga produksyon ay naglibot sa buong bansa at internasyonal at ang kumpanya ay nagho-host ng isang programa para sa pagpaunlad ng artists na kilala bilang SLaM. Sa panahon ng panunungkulan ng pares, ang kumpanya ay nakatanggap ng maraming mga parangal kabilang ang Jessie Award para sa Outstanding Design, Outstanding Production, Significant Artistic Achievement at Outstanding Performance; ang Critic’s Choice Award para sa Innovation; ang Alcan Performing Arts Award at ang Patrick O’Neill Award, para sa Plays2Perform@Home, isang home delivery theatre project na nagbigay inspiration dito sa MGA DIYALOGO PARA SA MGA NAG-AALALA SA BAKUNA – at sa mga nagmamahal sa kanila.

Ang Boca del Lupo ay nagpapasalamat sa paglikha at pag trabaho dito sa teritoryo na hindi nasuko ng mga tao na xwm θkw y̓ m (Musqueam), Skwxwú7mesh (Squamish), at S lí̓ lw taɬ (Tsleil-Waututh).

If you have any thoughts or feedback on this website or the Dialogues, email us at info@bocadellupo.com

Subscribe to our newsletter to stay current on all our projects, workshops, on-going presentations, initiatives & other events.